Martes, Oktubre 1, 2013

Kwentong barbero

happy new year sainyo bagong taon o bagong buhay? wala kong pakialam kung gusto mo magbago o hindi basta HAPPY NEW YEAR!
di ko alam kung bagong buhay ba talaga,taon-taon ko na lang sinasabi yan :P
kaya bago ako magpaalam kay 2012 ikwekwento ko muna ang mga nangyari sakin 
wala kang pakialam sa buhay ko kaya basahin mo na lang 
marami akong nakilalang bagong kaibigan, minamahal, kaaway, kakapehan, kalokohan, at higit sa lahat ung ginawa naming
lintik na thesis na yan akala ko madali hindi pala pero ok nadin atleast alam ko na hindi pala biro talaga yun.
dumating din ako sa time na nainlove ako sa wakas! kaso nasayang lang eh ang tagal ko pa naman ninanais magkaroon ng girlfriend kaso napurnada pa 
ewan ko ba bat ganun nakakaiinis, pero ok lang din atleast may natutunan ako dalawang importanteng bagay una, dapat give and take at pangalawa wag give ng give
kasi para kang tanga nun give ka ng give ano ka mayaman tinalo mo pa si napoles ah. eh kaso andun na tayo nangyari na kumbaga no retry bawal bumalik kasi masakit.
eto nanaman ako nagdrarama parang tanga di ko hilig yung mga ganitong kwento pero ewan ko ba bakit ako nagtytype ngaun at bakit mo to binabasa?
madami din akong natutunan nitong 2012 na to natuto akong magpuyat ng malupit, maginom ng walang tigil pero dati ko pang ginagawa yun lumalala lang ngayon dahil sa kaibigan kong 
nagngangalang ACE, oo ACE ang kanyang pangalan dahil sa taong yan may kasabayan nakong uminom, malupit yan si ACE ibang klase yang tao na yan di natutulog para lang sa pinakamamahal yang boomz 
basta wag mo na alamin kung ano yun masyadong ka nang tsismoso, at meron ding akong kaklaseng parang ninja basta wag mo na alamin baka magulat ka lang kung san siya nagsasanay, eto naman malupit magisip yan si ninja grabe di ko alam kung san nanggagaling mga pinagsasabi niya
ang taas ng konsentrasyon at magaling din siya gumawa ng tula, marami pa yang mga klasmeyt ko na yan sa sobrang dami nila dalawa pa lang ung nakwekwento ko basta pag sinipag ako isusulat ko sila ng malaman mo ok..
eto nanaman ako magkwekwento nanaman ng isang walang kakwenta-kwentang bagay at hindi ko alam bakit mo padin ito binabasa, tapos na ang 2012, umpisa na ng 2013 masasabi mo bang nagbago ka na dahil bagong taon na oh niloloko mo nanaman ang iyong sarili kasi bagong taon na nanaman, basta bahala ka sa buhay mo!
kung ako saiyo wag mo ituloy yan mahihirapan ka lang, magiging totoo ka sa sarili mo mahirap mabuhay sa kasinungalingan pero madali lang magpantasya at yun na lang ang gawin mo. sa ngayon itong enero 1, 2013 masasabi kong wala pa ring pagbabago ganun padin ang ikot ng mundo.
oh sadyang di ko lang ito napapansin maguumpisa nanaman ang panibagong yugto ng aking buhay kumbaga level up, o kaya naman panibagong kastilyo para bang sa larong mario, 3rd year tri na ako at OJT na kami ng mga kaklase ko hindi ko nga alam kung anong ginagawa dun eh
pero sabi ng mga kaibigan ko, magtitimpla ka daw ng kape tapos magtutupi ka ng mga lintik na papeles ewan ko ba kung ganun talaga o baka naman ibebenta kami o kaya naman gagawin kaming mga secret agent ng gobyerno, lahat naman ng bagay malalaman natin hindi dapat ito minamadali kaya ikaw wag kang excited,
kasi kusa itong darating bakit nga ba? hindi ko din alam eh. oh basta mag oojt na kami yun lang muna sa ngaun, sa pamumuhay ko naman dito sa napakagandang bansa na to ang pilipinas nitong nagdaang 2012 marami akong nasaksihang kaguluhan, kalokohan, katatawanan, iyakan, katarantaduhan  at marami pang iba
katulad na lang ng namatay si dolphy ang hari ng komedya maraming nagulantang dahil wala na ang hari ng komedya pero ganun talaga ang buhay lahat tayo ay naeexpired kaso hindi pwede loadan swerte ka na lang kung mabigyan ka ng pangalawang buhay ni lord o kung sasambahin mo si satanas para maging immortal ka depende na sayo yan letse ka.
at nung nagsimbang gabi naman ako napansin ko ang mga kabataan para bang may uniporme sila sa kanilang damit pare-parehas sila at ang nakasulat ay "NEVER GIVE UP" parang isang epidemya ang bilis kumalat hindi ko alam bakit ang daming nagsusuot nung letseng damit na yun, pero di ko rin sila masisisi atleast may nasusuot sila,
dito mo bang masasabing naghihirap ang pilipinas? para sakin hindi  bakit, kung pupunta ka sa isang mall mapapansin mo napakaraming namimili at maraming mga social climber na mga tao may mga bagong gadgets, kumakain sa masasarap na restaurant at maraming nanonood ng sine, at may mga pang check-in pa nga eh ung iba naman nasa casino nagsasayang ng pera dapat dinodonate na lang nila un sa mga walang makain eh,
nakakagulat isipin na sa kabila ng lahat masasabi mo ba talagang naghihirap ang pinas o sadyang nabubulag lang tayo sa katotohanan, maraming nagtrend noong nakaraang taon lalo na ang nausong kanta ng koreanong si psy, kahit hindi mo maintindihan ang lyrics mapapasayaw ka dahil sa letseng kanta na un lalo na pag dumating
na sa chorus "eeehhhh sexy lady op op op op oppa gangnam st***" ng dahil daw sa kantang na yan marami ang nagsasabing magugunaw daw ang mundo pakana yan ng mga bobo nating scientist sabi kasi nila sa dec. 21, 2012 sa ganap na alas-tres ng hapon eh  magugunaw daw ang mundo? nung saktong alas-tres ng hapon aun dumating ung nag papayb-six yari.
sa totoo lang maraming natakot dyan, pero ako hindi nagkakape lang ako naghihintay ng katapusan kala ko nga may mga darating na alien at kukunin ako oh kaya naman lilindol ng malakas at biglang sasabog ang core ng mundo, kaso walang nangyare nung alas-tres ng hapon maraming tao ang natuwa at marami ding nanghinayang kasi
gumastos para maghanda sa nasabing end of the world kaso nganga sila sayang ang pera, isa itong malaking kasinungalingan at pwede na itong gawan ng mga follow-up na kwento, dahil ang pilipino pag nagkwento sigurado maraming dagdag, pag nagkakaanak ako ikwekwento ko sa kanya na nakaligtas ako sa paggunaw ng mundo
para naman maging proud siya sakin, na ang tatay niya ay nakaligtas sa EOTW at nagsusulat ng mga walang kwentang bagay.
ngayong 2013 naman kakatapos lang ng putukan nakaraos din sa wakas akalain mo yun parang kailan lang sipunin pa ko at naglalaro ng holen sa kanto, hindi ko akalaing malapit na din pala ko makapagtapos sa kolehiyo, alam ko darating ako diyan kaya itigil na natin ang kwento na to, 
wala pakong masyadong masabi sa ngayon enero 1, 2013.
Sa wakas enero 2, 2013 na sa ngayon wala pa naman akong nakikitang pagbabago sa mga bagay-bagay dito sa mundo pwera na lang sa mga bagong gadgets ngayon ewan ko ba bakit nauso pa yang mga wireless-fidelity o wifi pag shinorcut,touch screen at kung ano-ano pa nakakalungkot mang isipin iba na talaga ang kabataan ngayon
hindi katulad dati simpleng mga laruan lang tulad ng trumpo,holen,saranggola,goma,langgam at marami pang iba, bakit ngayon ano nangyari sa mga kabataang pinoy iba na ang hawak mga ipad,iphone at mga naglalakihang letseng tab na yan, di natin masisisi ang mga magulang nila kumbaga bagong henerasyon na ngayon 
pero wag nating kalimutang lumingon sa pinanggalingan natin. may kasabihan tayo na...

"Napakalaki ng mundo,
napakadaling maligaw ang landas mo

Bilang gabay simple lang ang payo ko 

"hanapin mo kung anong magpapasaya sayo"

napaka bilis ng panahon, wag mong sasayangin
sa mga walang kabuluhang bagay

"at gaano man kalayo ang narating,
wag mong kakalimutan kung saan ka nanggaling"

Sa haba ng buhay ko, nagpapasalamat ako sa bawat sandali
na nakasama ang mga kaibigan at pamilya.

"Pinanganak ka para maging maligaya,
ang mga kaibigan at pamilya mo
ang magpapakita kung papaano"

By LoLo Mario

oh diba napakasimple lang naman ng buhay eh tayo lang ang nagpapahirap nito, ika nga "kung di mo kaya, ipagawa mo sa iba" para sa mga tamad pwede yan ewan ko lang sayo.

nagkita kami ng bestfriend ko simula pa nung hayskul medyo nagtatampo na sakin kasi di na niya ko nakikita aba! akalain mo yun may nakakamiss pa pala sa akin... at yun nga nagkita kami at kasama yung bf niya, masaya kami kasi nagkita-kita na kami ulit wala naman siyang pinagbago siya parin ung babaeng payat na sexy na malakas kumain basta...
marami pa sana kaming pagkwekwentuhan kaso kulang sa oras pero marami pa namang pagkakataon eh kaya ok lang.
masaya din pala maglagalag pag may kasama kang iba, ako kasi yung tipo ng tao na mahilig mapagisa, hindi naman sa emo para kong gago nun, mas marami kasi akong nagagawa pag ako lang magisa, marami akong naiisip na bagay-bagay katulad ng bakit nga ba tayo nabuhay sa mundong ito, naisip ko to nung nasa banyo ako,
bigla nalang lumiwanag ang kaisipan ko bakit nga ba? ang sagot ko hindi ko alam ang hirap sagutin pero parang madaling bigyan ng opinyon, diba natin naiisip na simpleng nilalang lang tayo at kahit anong oras pwede tayong mamatay malay mo habang binabasa mo to bigla kang nabagsakan ng kisame o kaya naman nasunog ang bahay niyo at biglang tinamaan ng malaking bulalakaw pero wag naman sana,
naisip ko din na ano kaya meron pag namatay tayo? san ka mapupunta sa langit o lupa, totoo bang may anghel at demonyo o sadyang kathang isip lang natin ito o baka naman ung taong maraming utang sayo ang demonyo at ikaw ang anghel, at pag nasa eskwelahan ka yun ang impyerno at pag nasa bahay ka nasa langit ka.
ewan ko sayo kung gusto mo malaman bat di ka magpakamatay nang malaman mo na, sabi nga nila una-una lang yan.

Pagibig isang simpleng salita pero maraming nasasaktan at nagiging tanga may mga nagpapakamatay may nanggagayuma at may napipikot at higit sa lahat may nabubuntis ng lasing.
marami daw klase ng pagibig at hindi ko alam kung ano yun basta marami malalaman mo din yan sa tamang panahon at sa tamang oras wag muna ngayon bata ka pa, pero kundi dahil diyan sa lintik na yan di tayo mabubuo at hindi ko masusulat tong walang kwentang kwento na to, lahat naman tayo umiibig kahit sino ka pa wala itong pinipili lalaki,babae,bakla,tomboy,bungi,lasinggero,manyak sa kanto,kidnapper,mmda,tanod,basurero at higit sa lahat ako,
 minsan nadin akong naging tanga at tanga padin hanggang ngayon minsan nadin umiyak,nasaktan,natuwa,nalibugan,naumay,naasiwa sa pagmumukha ng minahal ko napapansin ko nga nagiging kamukha ko na eh, ganun talaga tao lang tayo hindi tayo perpekto, pero natutuwa ko sa mga may relasyong nagtatagal atleast napatunayan nila na mahal talaga nila ang isa't isa may iba kasi na ang habol hindi love kundi sex o sadyang magkasama na talaga un  it depends :p
sex..mmm... maraming nahuhumaling at hindi ako isa dun syempre biro lang yun, yan ang kapartner ng love syempre sex kaso iba ang pananaw ng ibang tao diyan ung iba pinagkakakitaan ung iba naman libangan lang at meron naman iba nakasanayan na, tska na natin pagusapan yang sex na yan sa ngayon pigilan mo ang libog mo ok...

teka teka bumalik nga tayo sa pagmamahal na yan maraming nagkakaproblema dian eh eto masasabi ko paano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao? sa totoo lang mahirap masabing mahal mo ang isang tao kahit lalaki,bakla,tomboy,babae o kht ano pa yan, hindi mo basta-bastang masasagot ang tanong na yan
dahil mahirap ito ipaliwanag pero madali lang din ba itong ipakita? yun ang naglalaro sa aking isipan 
kaya naisipan ko tong idagdag sa aking kwento na ito para nadin maliwanagan tayo kung ano ba talaga? mahal mo o hindi, ano ba talaga..

nagtanong ako sa mga kaibigan ko dahil hindi lang naman ako ang nakakaalam niyan... kaya gumawa ako ng survey at eto ang sabi nila...

masasabing mo bang mahal mo ang isang tao kapag?

Pag magkasama kayo, kahit wala kayong ginagawa, kahit hindi kayo nag-uusap, kahit magkatabi lang,kontento ka na?

Pag kaya mong magtiis para sakanya?

O baka naman kapag inaalala mo sya, gusto mo syang makasama, gusto mo sya kausap palage, gusto mo safe sya, gusto mo walang mangyayaring masama sa knya, gusto mo ayus lahat ng mangyayare pag kasama mo sya, gusto mo walang problema pag anjan sya?

At kapag lahat ng bagay ginawa mo para mapasaya mo siya , kahit alam mong mali gagawin mo, =)) kasi gnun mo siya kamahal, kahit sabihan ka ng iba, khit ligawan k ng iba, siya pa rin iniisip mo XDD hahaha..

yung seryoso? hmm.. sa mga pinapakita nya seo dre, the way she act on your simple jokes kung masyado cyang worried pag d ka nia nakikita or d k man lang nagtext s knya.. kung pno cya mag care sa inyong dalawa..

Or when you change literally because of the person you love? 

eto ung sagot na medyo nagpapansin at umepal sa isipan ko "you change literally" nakakatakot mang aminin pero totoo aminado din ako
naramdaman ko yun unti-unti akong nagbago dahil sa lintik na pag-ibig na yan, eto ba yung sinasabing nilang 
pagibig o may iba pa kong balak, kung titignan natin ang mga bagay-bagay masasabi mo na ba sa sarili mo na mahal mo na ang isang tao? hindi purkit lagi kayong magkasama kayo na, wag kang assuming masama yan pede mo yan ikamatay o makapatay ka pa! hindi ito madaling sabihin at hindi din ito madaling gawin bakit nga ba?
masasabi mo bang mahal mo ito kapag iniyakan mo siya, kapag lagi kayong magkasama o kapag matagal mo na siyang kasama o dahil kababata mo siya, pwede nating gawing batayan ung mga ganung bagay pero hindi natin masasabi kasi bigla na lang yang darating kahit ayaw mo bigla ka nalang tatamaan para bang ligaw na bala, mapapansin mo na lang na yung ugali mo magbabago pisikal man o mental, kasi nagmamahal kana ewan ko lang kung totoo tong mga pinagsasabi ko.

Dalawang araw ang lumipas ngayon lang ulit ako nakapagsulat dahil naglibot-libot ako sa maynila nitong nakalipas na mga araw kasama ang aking pamilya, nagdinner kami sa mall of asia yun daw yung pinakamalaking mall sa asya sabi nila, pero di ako naniniwala basta wag mo na alamin kung bakit, masarap din pala kumain sa seaside sa tabi ka ng sea kakain at sympre mga seafood ang pagkain bsta puro sea dun
maganda ang ambience dama mo ang hangin na malansa na ewan dahil sa maruming dagat kala ko nga nasa ilog pasig ako eh pero panalo naman ang kinain ko mga 3 kilo ng hipon ang tinirada ko, 2.5 kilo ng tahong na may keso na toppings, pusit na ewan kasi medyo luto na hilaw eh at habang naglalakad ako sa seaside maraming kaganapan ang nangyayari may nagpapatawa para kumita, meron namang magsyota sa dilim, may mga magbabarkada na nagsasaya, at higit sa lahat may ferris wheel, at sumakay ako dun di ako nakapagpigil eh para kong bata na pag hindi nakasakay eh maglulupasay hanggang mamatay at sa wakas nakasakay ulit ako afer 12years.
at nang nasa tuktok nako ng peris wil, napagisip-isip ko bakit may mayaman at mahirap? pantay-pantay tayong ginawa ng diyos diba, bakit ganun sa panahon ngayon mas nakakaangat ang maraming pera, masasabi mo bang mayaman ka pag marami kang sasakyan,pag malaki ang bahay mo,pag nakapunta ka sa ibang bansa,pag nakakakain ka sa mamahaling restaraunt? o baka naman pag marami kang pera. 
hindi ito batayan para sakin may mga mahihirap nga na masaya kahit kapos sila hindi nila kailangan ng perpektong buhay ito ang matatawag kong yaman na hindi pwede bilin. 
"ang buhay ay parang kalsada pwede kang mamili kung san mo gusto dumaan,may pagkakataon din na pwede ka nitong iligaw pero wag mong kakalimutang balikan kung san ka nanggaling".

Pasukan na naman este pasukan na pala para sa iba kaso yung eskwelahan ko eh matagal pa sa ikatlong-linggo pa ng enero, babalik nanaman ako sa dati matitikman ko nanaman ang pritong siomai at ang pugo ni manong at marami pang iba, siguro nga't nakakapagod ang mag-aral kasi lagi ka na lang paulit-ulit sa mga ginagawa mo pero hindi tayo nagsasawa kasi kailangan natin yun eh 
pero bakit nga ba natin kailangan mag-aral? oh ang pinapasok natin sa paaralan ay ang mga kaibigan nating nakilala dito tayo natutong manligaw,magsaya,gumawa ng kalokohan at marami pang iba.
at dito ko nalaman na marami palang iba't-ibang klase ng estudyante sa loob ng paaralan may mga nerd,sosyal,pasosyal,mayaman,mahirap,warprik,buraot,tambay,manyak at higit sa lahat mga sipsip, siguro naging isa ka sa mga nabanggit ko kaya wag ka na tumanggi pa,
bakit nga ba tayo pumapasok? dito lang ba tayo pwedeng matuto? sabi ng adviser ko nung grade six "hindi nagtatapos sa silid-aralan ang kaalaman" nung una di ko maintindihan kung ano ung sinabi niya kasi tanga pa ko nun at hanggang ngaun, pero nung tumungtong nako sa kolehiyo at namulat sa katotohanan medyo naintindihan ko na kung ano yung sinabi niya kahit papaano.
ibang-iba nga talaga ang kolehiyo sa lahat mas matindi ito sa prep,kinder,elementary at high-school mas naglevel-up ang mga tao rito, nung una kong araw sa college kinakabahan talaga ko hindi ko alam ang gagawin para kong yelo na kahit anong oras ay pwedeng matunaw,mas lalo pa kong kinabahan ng magpapakilala kami isa-isa sa harapan minsan talaga isusumpa mo ang mga guro kung bakit nila pinapagawa ang ganun.
pero nakaraos din ako wala namang masyadong pinagawa ang mga propesor nung araw nun kundi ang magpakilala ng walang humpay para kaming mga tape na nakarewind paulit-ulit nalang, pero masaya ang unang araw marami akong naging kaibigan siguro mga isa lang.


Enero 10,2013--- matagal-tagal din akong di nakapagsulat siguro mga ilang araw din ang nagdaan busy kasi ang daming ginawa at pinuntahan lalo na ngayon magpapasukan nanaman at syempre ang nakakaiinis sa lahat ang pageenroll!! ewan ko kung bakit binago nanaman ang sistema sa aming paaralan,
dati-rati napakadaling magenroll pero ngaun aabutin ka ng isang buong araw bago ka matapos, tinalo pa nila ang NSO sa pagkuha ng mga papeles eh ang akala namin automatic ang sistema un pala manual aba'y napakagandang simulain ito para sa 2013.
pasukan na namin sa 14 umpisa na ng pasakit saming mga estudyante at nagpapasalamat nadin dahil may baon na ulit, BAON isa sa mga dahilan kung bakit tayo pumapasok ng dahil sa BAON na yan maraming estudyante ang masaya kasi may pangload na sila, malungkot kasi ipambabayad nila sa mga utang, at marami pang iba di ko na sasabihin dahil ibibigay sayo yan ng magulang mo. sa panahon ngayon tumataas na ang bigayan sa baon ng mga estudyante dahil nagtataasan nadin ang mga pamasahe,pagkain at kung ano-ano pang mga burloloy ng katawan natin kaya kahit gusto mo magipon di mo magawa kasi maraming luho, kaya kung di ka marunong humawak ng baon mo yari ka mababankrupt ka tinalo mo pa ung bangko dahil nganga ka pag naubusan ka kaya dapat ipon-ipon din pag may time.

At eto na ang pagbabalik sa wakas ang tagal kong itinigil ang aking pagsusulat, at dumating na ulit para magsulat ako ng mga walang kwentang pangyayari at bagay-bagay na walang kabuluhan... 
Abril 03, 2013---- ngaun lang ulit ako nakapagsulat hindi dahil tinatamad ako dahil nagoojt na ko, medyo bisibisihan ako sa pinasukan kong government office basta malapit lang ito samin mga 45mins ang byahe kung susumahin, ayoko kasi ng medyo malayo ayoko din naman ng medyo malapit gusto ko nasa gitna :P kaya nga pinili kong pasukan eh kasi sakto lang, madami akong bagong natutunan sa pinasukan ko una bawal ang tanga yari ka sa boss mo pag nagkamali ka pero syempre tanga ko kaya di ko maiwasan na magkamali kea ok lang naiintindihan nila ko pangalawa bawal ang late "di nga" sa totoo lang lagi akong nalalate ewan ko ba sobrang bigat  ng pakiramdam ko pag-umaga hindi naman ako nakikipag hmmm... pag madaling araw haha.. oh sadyang tinatamad lang talaga ko bumangon, hindi lang siguro ako ang nakakaranas ng ganun marami pa dian baka nga mas malupit eh yung tipong hapon na tsaka lang babangon imba! may iba naman na tulog mantika lang ung tipong nagtutulug-tulugan minsan ganyan ako lalo na pag araw ng linggo.

at syempre bago ka makarating sa patutunguhan mo kailangan mong bumyahe, isa yan sa mga paborito kong parte ng buhay ko araw-araw ang bumyahe, maraming paraan para makarating ka sa paroroonan mo 
pde ka maglakad, tumakbo, gumapang, tumambling, magduck-walk o kaya naman lumipad, pero wala pa ring tatalo sa pampaseherong jeepney ng bayan kahit saan ka mapunta meron nian kaso madalang akong sumakay dian, mas gusto ko ang bus feeling ko kasi para kong lumilipad eh lalo na pag sa tabi ako ng driver, marami akong klase ng tao na nakakasabay may mga construction worker,nurse,titser,kandidato,parak,terorista, mananabong, may mga sosyal at nagpapasosyal, marami pa nian kaso ayoko isa-isahin baka mapuno na ung sasakyan, at  isa pa sa mga nakakasama ko ang mga bus vendor mga taong naghahanap buhay na parang mga ninja sa bus dahil sa sobrang kapit ng mga paa, bilib ako sa mga bus vendor kahit matumal ang bentahan sa bus di sila tumitigil para mabuhay nakikipagpatentero sa mga hari ng daan para lang may makain, at sympre madami din silang tinitinda tinalo pa ang sari-sari store ng kapitbahay namin.

marso.. ang buwan ng martsahan ewan ko ba bakit kailangang itaon sa marso pde namang pebrero para medyo love theme ang graduation o kea naman november para sakto pag may namatay sa sobrang tuwa diretso lamay na para isang celebration lang mas maganda nga siguro kung december eh para rekta krismas party na wala ng hassle kasabay ng pagbigay ng diploma ang regalo galing sa nanay mo, graduation isang kaganapan sa buhay na may halo-halong amoy habang nakaupo ka sa napakatagal na sermon ng kung sino mang bwisit sa harapan, naalala ko nung grumaduate ako nung hayskul napakaraming leaflets na binibigay bago kami pumasok akala ko botohan kung sino magiging valedictorian un pala mga letseng kandidato sa lugar namin at sympre hindi sila nagpatalo nagspeech pa ang mga hinayupak,awa ng diyos hapon na kami natapos masaya, masaya ang graduation namin dahil lahat kmi nakapagmartsa walang naiwan, at syempre hindi mawawala ang sagradong kuhanan ng diploma kasama ang magulang, maswerte ako dahil may nakasama ako sa pagkuha ng sagradong papel ung iba nga eh walang magulang na kasama mga tropa lang nila kumbaga proxy , iba din kasi ang dating pag kasama mo ang magulang mo magmartsa para makuha ang diploma medyo nakakaiyak na nakakagutom na nakakaihi basta iba.. at yun sa wakas pagkatapos ng iyakan, hagulgulan, patawaran, halikan, yakapan, at kung ano-ano pa nakagraduate din ako sa wakas pagkatapos ng apat na taon ko sa hayskul panibagong pakikipagsapalaran sa init at lamig at panibagong mga tao nanaman.

dumating na ang mahal na araw lumagpas na nga eh, isa sa mga pinakakaantay kong kaganapan sa pilipinas dahil makakapaglagalag ako ng magisa ganun samin eh tradisyon namin na maghiwa-hiwalay pag lent season ewan ko sa magulang ko medyo weirdo kung pagaaralan, kung ung iba nagaalay-lakad ako naman alay-bike hindi sa tinatamad ako maglakad mas gusto ko makarating agad sa pupuntahan ko, kung saan-saan ako nakapunta kala ko nga nasa ibang dimensyon nako ng pilipinas eh, naranasan ko na din ang pabasa yan ung may babasahin ka na sobrang bagal at parang malungkot at dapat may tono, sa umpisa gaganahan ka kasi marami kayong nagbabasa eh pero pag tumagal yan pupusta ko mas gugustuhing mo pang matulog kaysa magbasa may nakikita nga kong nagpapabasa habang nagiinuman hindi ko sila masisisi sa ginagawa nila mas gusto nila yung ganun eh meron pa nga nagkakara-krus eh akala ko nga perya ung napuntahan ko eh kasi may nagbibinggo pa pero sa totoo lang hindi ko pa natapos yang pabasa na yan hanggang ngayon, ung iba nirerecord nalang nila para nga naman menos boses di ka pa hihikain sa kakabasa pde mo pang gawing soundtrip! pilipino nga naman 

Sa wakas! nakabalik na ulit ako sa pagsusulat ng mga kuro-kuro sa aking isipan madaming buwan ang lumipas at ngayon na lang ulit ako makakapagtala kala ko hindi na ko makakabalik... di ko na patatagalin to umpisahan na natin!! hindi ko alam bakit ngayon lang ako nakapagsulat ulit o sadyang tinatamad lang talaga ako. Katamaran yan ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ekonomiya ng pilipinas dahil pag dinapuan tayo ng katamaran sigurado matatalo pa natin ang mga rebulto sa edsa, ewan ko ba kung bakit pero likas na yata sa ating mga pilipino ang pagiging tamad kaya nga nagkaroon tayo ng kwento eh ang dakilang si "Juan Tamad" oh diba iniisip ko nga pano niya naisulat yan eh buti di sia tinamad, eto rin ang dahilan kung bakit maraming unemployed sa ating bansa wag kang magalit dahil totoo ang sinasabi ko! pero bakit nga ba may tamad o bakit ka tinatamad? maraming pwedeng dahilan kung lalagyan mo ng formula pero dahil tinatamad ako magbibigay na muna ako ng sarili kong opinyon, isang dahilan ng katamaran ng pilipino ay nakakatamad gumising ng umaga totoo naman diba? kahit sino tanungin mo lalo na ang mga high-school at college student para yang sumpa dahil araw-araw kailangan mo gumising ng maaga para pumasok kahit umulan,bumagyo,bumaha,lumindol,giyera o ano pa mang kaguluhan papasok ka ng maaga at darating ka sa eskwelahan na suspendido pala ang klase! at dahil tinatamad nako mag-isip ng isusulat ko nagpasurvey ako kung "bakit ka tinatamad?"
buti na lang sinagot nila ung tanong ko at hindi sila tinamad sagutin ang walang kwenta kong tanong, eto ang mga sagot nila 
"Bakit ka Tinatamad?"
sagot ng tamad talaga -dahil ito ang nararapat

sagot ng *****-Walang mgawa 

sagot ng kapwa ko blogger- kasi natural na tamad ako srsly. Pinanganak ako para tamarin 

sagot ni ate C.-Hmm kase ayaw ko gawin ung bagy na gagawin or di ako interesado prang gNun haha

sagot ng manginginom-kasi nakakatamad

sagot ng atleta-hmm kasi nakakatamad gumalaw

oh diba, nakakatamad din ang mga sagot nila pero dahil dian sa katamaran na yan nakakatulong din ito kahit papaano dahil nakakapagpahinga tayo kung kelan natin gusto.
kahit sinong pilipino naman siguro eh dinapuan ng epidemyang "katamaran" kahit na ang pinakamasipag na tao siguro naman tinamad din siya kahit papaano 
ay basta bahala ka sa buhay mo! wag lang masosobrahan sa pagiging tamad baka ikamatay mo.


Ano!tinatamad ka na magbasa? magbreak muna tayo sa ngayon